Kapag nagliligawan pa lamang o nag-uumpisa pa lamang sa isang relasyon mapapansin na napakasaya at punong-puno ng sparks ang pagsasama. Halos buwan-buwan ay may romantic dinners, nanonood ng sine, namamasyal sa mga romatic places at kung anu-ano pang nakakakilig na panunuyo ang ginagawa ng lalaki maipadama lamang niya ang wagas na pagmamahal sa kanyang kapareha. Hindi buo ang araw ng isa kapag hindi nakikita o nakakausap ang kanyang karelasyon. Palaging may bagong mga bagay na nadidiskubre sa isa’t isa.
Ngunit habang tumatagal ang isang relasyon nagiging routine na lamang ang lahat: pasok sa opisina, sundo ni mister ang asawa sa trabaho, uwe ng bahay, luto ng pagkain, nood ng tv at matulog. Nawawala na yung mga bagay na nakakapagpakilig sa isa’t isa. May mga bago nang priorities, naka-focus sa trabaho, sa pagpapalaki ng mga anak o hindi naman kaya ay busy sa pinapanood na teleserye.
At sa pagkakataong ito nagiging problema ang “pagkakatali” at pagiging “pagod,” sa mga mga paulit-ulit na nangyayari sa kanilang buhay. Mapupuna na nakakabagot at nakapapagod na ang buhay at nawawala na ng excitement at sparks ang isang relasyon.
Kapag dumating sa yugtong ito ng pagsasama matutong lumabas sa routine ng araw-araw na pamumuhay. Paminsan-minsan ay gumawa ng bagay na na hindi ninyo pangkaraniwang ginagawa. Maari rin balikan o gawin ang mga bagay na madalas ninyong ginagawa noong kayo ay mag-nobyo pa lamang. Subukan baguhin ang ang mga nakagawiang gawin. Lumabas para sa special dinner bagama’t walang special reason. Bumili ng bouquet nang hindi na kailangang pang maghintay ng “special” event. Ang small surprises ay higit na mabuti kaysa bigger fulfillments na inaasahan nang mangyayari.
Ang pagiging creative sa pagpapadama ng pag-ibig ay napakalaking tulong sa pagpapanatili ng init ng pagsasama ng isang mag-asawa. Mag-isip ng creative, may thrill at nakaka-excite na paraan upang maipahayag ang iyong pagmamahal sa iyong asawa. Ika nga nila nakasasawa kung paulit-ulit na lamang, paminsan-minsan dapat mayrong konting pagbabago sa pagpapahayag at pagpaparamdam ng pag-ibig.
Diligin ninyo ng pag-ibig ang isa’t-isa para sumagana ang pagsasama. Ang maayos at matatag na pagsasama ng mag-asawa ay hindi nagaganap nang basta basta ito ay parang halaman na inaalagaan at dindiligan. Pag-ibig ang ipandilig, hindi masamang hinala, paninira, pangungutya at boring na routines ang makakasira sa relasyong papatatagin pa ng panahon.
Monday, November 22, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)