Kung ihahambing ang mga kabataan noon at ngayon mayroon kayang pagkakaiba? Ano ang kabataan noon kumpara sa kabataan sa kasalukuyan? Anuman ang pagkakaiba tuklasin na lamang natin ang mga kabataan noon at ang kabataan ngayon.
Sa paraan ng paglalaro, ang mga bata noon ay makikitang nagkalat sa kalsada tuwing hapon. Doon ay nagtitipon-tipon sila upang maglaro ng mga larong kalye gaya ng sipa, patintero, habulan, taguan, tumbang preso at doctor kwak kwak. Noon ay mapupunang napakalinis ng harapan ng bawat tindahan sapagka’t pati balat ng candy at lalagyanan ng sigarilyo ay nagsisilbing laruan ng mga bata. Hindi rin nakaligtas ang takip ng softdrinks o tansan sa kanilang mga nilalaruan.
Noon hindi ka makakalabas ng bahay ang bata kapag hindi sila natulog ng hapon kung kaya’t kung gusto nilang makalabas ng bahay at maglaro kailangan munang matulog at paggising ay meryenda nila ang alikabok ng kalsada habang naglalaro ng mga larong kalye.
Masasabing mababaw lamang ang kasiyahan ng mga bata noon pagdating sa paglilibang ng kanilang mga sarili. Mahigpit noon ang mga magulang ng bawat bata. Mayroon silang takdang oras ng pag-uwi na dapat sundin, ang mga bata noon ay dapat bago pa man lumubog ang araw ay nasa kani-kanilang mga tahanan na sila. Pagdating ng ala-sais ng gabi ay dapat wala nang bata sa kalye sapagka’t oras na iyon upanh mag-orasyon ang buong pamilya.
Noon ay wala sinuman ang may lakas loob upang sagutin ng pabalang ang kanilang mga magulang. Takot silang suwayin ang kanilang mga magulang at mayroon silang malaking respeto sa mga nakakatanda sa kanila.
Kung ihahambing naman ang mga kabataan ngayon sa kabataan noon mapupuna na kulang-kulang sila sa mga pisikal na na laro sapagka’t iba na ang paraan ng paglalaro nila ngayon. Mas gusto nila ngayon ang nakaupo na lang at manood ng mga cartoons at anime. Nandiyan ang pag-aabang kay Spongebob, pagtutok sa mga adventure ni Dora, at namamangha sa mga hi-tech na gamit ni Doraemon.
Ang mga kabataan ngayon ang mga pinaglilibangan ay ang mga computer games, maglaro ng PSP at makinig sa IPod, maggala sa mga mall at maki-party sa gabi. Patok din ang mga hi-tech at makabagong gadgets gaya ng cellphone, IPod, PSP, Xbox at kung anu-ano pa.
Kapag sila naman ay kinagalitan o pinagsabihan ng kanilang mga magulang, hindi nila maiwasan na sumabat kahit na baluktot ang kanilang katwiran. Mapupuna na wala na silang galang at respeto sa kanilang mga magulang. Hindi sila marunong umintindi ng mga pangaral, gagawin nila ang lahat masunod lamang ang gusto.
Marami ang mga naninibago sa mga kabataan ngayon. Kung maibalik lamang ang mga kabataang marunong gumalang at alam ang ibig sabihin ng salitang respeto, masasabing sila pa rin ang kabataan na maipagmamalaki ng ating bayan.
Wednesday, September 17, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)